PINABULAANAN ng provincial at local officers sa Biliran ang kumakalat sa social media tungkol sa umano’y expansion ng Biliran II Geothermal Project.
Sinabi ni Governor Rogelio Espina na walang inihaing application for permits sa Provincial Capitol na may kaugnayan sa Geothermal Project.
Inihayag naman ni Caibiran Mayor Rhodessa Delante-Revita na hindi bagong proyekto at nananatiling non-operational ang Biliran Geothermal Inc.
Idinagdag ng alkalde na walang isinagawang drilling sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon simula noong 2019.




