ISANG team mula sa Northern Samar ang lumahok sa PROPAK Asia 2024 sa Bangkok, Thailand, na pinakamalaking trade fair para sa process and packaging technology sa Asya.
Ito ay bilang bahagi ng hakbang ng lokal na pamahalaan para mapagbuti ang output ng small and medium enterprises sa lalawigan.
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Inihayag ng Northern Samar Provincial Economic Development and Investment Promotions Office (PEDIPO) na ang pagsali ng provincial government sa naturang event ay isang mahalagang oportunidad para sa local producers upang mapaghusay ang kanilang kapabilidad, mapalawak ang kanilang networks, at manatiling nakatutok sa pinakabagong development sa processing and packaging technologies.
Kabilang sa mga pangunahing produkto ng Northern Samar ay coconut-based food products, handicrafts, bags, tablea, taro chips, buko pie, pili nuts, atsara, camote candy, at processed aquatic products.
