28 December 2025
Calbayog City
National

Goitia sa mga Bagong Paratang ni Co: Puro Ingay, Walang Ebidensya

NAGLABAS muli si dating kongresista Zaldy Co ng panibagong video kung saan idinadawit niya si First Lady Liza Araneta Marcos at ang kapatid nito sa umano’y rice at onion cartel. Sa pagkakataong ito, pinalawak pa niya ang akusasyon at isinama na rin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos.

Ngunit tulad ng dati, walang anumang ebidensyang iniharap si Co, at agad na itinuro ng mga opisyal ang mga butas sa kanyang kwento.

Tinawag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na “total baloney” at “script pang-Netflix” ang mga paratang ni Co. Nilinaw niyang ang tanging bahagi ng pahayag ni Co na may katotohanan ay ang pagtalakay sa pagbaba ng rice import tariff — isang mungkahing matagal nang pinag-uusapan ng iba’t ibang opisyal, at hindi ideya ni Co lamang. Sa katunayan, zero tariff ang rekomendasyon ni Co, hindi 15 percent. Mariin ding itinanggi ni Tiu Laurel ang mga paratang tungkol sa umano’y manipulasyon at pagkakasangkot ng pamilya ng First Lady, at sinabing “definitely baloney” ang lahat ng akusasyon sa bigas, sibuyas, isda, at asukal.

Bagong Paratang Laban sa First Family

Sa kanyang video, iginiit din ni Co na umano’y “nag-utos” si Sandro Marcos ng humigit-kumulang ₱51 bilyon na budget insertions mula 2023 hanggang 2025 — isang paratang na mariing pinabulaanan ni Sandro, na tinawag itong “kasinungalingan” at bahagi ng destabilization efforts.

Naglapat din si Co ng panibagong kwento tungkol sa umano’y buwanang remittance na hinihingi raw ni dating Speaker Martin Romualdez, ngunit muli, wala siyang ipinakitang dokumento, mensahe, petsa, o anumang patunay.

Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia:

“Ang paratang na walang ebidensya ay hindi whistleblowing. Ito ay panlilinlang, at nagiging delikado kapag binibigyan ang publiko ng maling impormasyon.”

Pagtutol mula sa Pangulo at sa Kongreso

Inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinangka siyang i-blackmail ni Co, at mariing sinabi:

“I do not negotiate with criminals.”

Sa Kongreso, mariin ding tinuligsa ang mga pahayag ni Co. Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ni Majority Leader Sandro Marcos na si Co “ay walang kredibilidad at nagtatangkang guluhin ang pamahalaan,” at binigyang-diin na ang pagpapakalat ng kasinungalingan mula sa ibang bansa ay “hindi magpapalitaw ng katotohanan.”

Tinawag pa niya si Co na “isang kriminal na umiiwas sa pananagutan — hindi isang crusader.”

Dagdag pa ni Goitia:

“Kung tunay ang hawak mong katotohanan, humaharap ka sa batas. Huwag kang maglabas ng video mula sa’yong pinagtataguan.”

Kwento na Paulit-ulit Nagbabago

Sa mga nauna niyang pahayag, nagpapalit-palit si Co sa pagsasabing naghatid siya ng pera at sa pagsasabing wala siyang tinanggap. Ngayon naman ay may bago na naman siyang idinadawit na pangalan — ngunit hindi pa rin makapaglabas ng dokumento, petsa, mensahe, o anumang rekord na magpapatunay sa kanyang mga alegasyon.

Wika ni Goitia:

“Kapag pabago-bago ang kwento pero hindi lumalabas ang ebidensya, gumu-guho ang kredibilidad.”

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.