INISYUHAN ng Warrant of Arrest si Dating Miss Universe Co-Owner Anne Jakrajutatip, ayon sa report ng Thai Media Outlets.
Inilabas ang Arrest Warrant ay matapos hindi dumalo ang dating Miss Universe CEO sa Verdict Hearing ng kanyang Fraud case na kinapapalooban ng 30 million thai baht o nasa mahigit 54.691 million pesos.
ALSO READ:
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Nabigo rin si Anne na magsumite ng paliwanag sa hindi niya pagdalo, na para sa South Bangkok Criminal Court ay nagpapahiwatig ng tinatakasan nito ang hustisya, kaya siya ipinaaresto.
Bukod sa pagdakip, ipinag-utos din ng korte ang pagbawi sa piyansa ni Anne, pati na ang pag-reschedule ng Verdict Hearing sa Dec. 26.
Ayon naman sa reports, tumakas patungong Mexico ang dating co-owner ng Miss Universe.
