BAHAGI na ng Women’s Tennis Association (WTA) Tour ang Pilipinas, na siyang magbibigay daan sa posibleng home tourney para kay Filipina Tennis Sensation Alex Eala.
Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, idinagdag ng WTA ang Manila para sa kanilang 2026 Calendar.
ALSO READ:
Office of the President, magbibigay ng karagdagang cash incentives sa SEA Games medalists
Lebron James, inisnab bilang NBA All-Star starter sa unang pagkakataon simula noong 2004
BIGO si si Filipina Tennis Sensation Alex Eala sa kanyang debut sa Main Draw ng Australian Open sa Melbourne Park.
2 Pinoy, sasabak sa 2026 Winter Olympics sa Pebrero
Tatawagin itong Philippine Women’s Open na gaganapin sa January 26 hanggang 31, sa hindi pa inaanunsyong venue.
Una nang inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick “Pato” Gregorio na maaring magsilbing isa sa mga venue ang tennis center na under renovation sa Rizal Memorial Sports Complex.
Bukod pa rito ang itatayong 10-Hectare Philippine Tennis Center sa New Clark City sa pagtutulungan ng PHILTA at Bases Conversion and Development Authority.
