NAKAPAG-secure ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng dalawang Freeze Orders sa assets ng mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa flood control controversy.
Sa statement, sinabi ng AMLC na saklaw ng Freeze Order ang 230 bank accounts, 15 insurance policies, dalawang helicopter, at isang eroplano.
ALSO READ:
Balance of Payment position, naitala sa 5.66-billion dollar deficit noong 2025
Foreign Debt Service Bill, bumagsak ng halos 23% noong katapusan ng Oktubre
Bagong Batangas at Iloilo Economic Zones, inaprubahan ni Pangulong Marcos
Kita ng LRT-2 noong nakaraang taon, nabawasan dahil sa libreng sakay at mas malaking discounts
Ayon sa AMLC, ang air assets pa lamang ay nagkakahalaga na ng nasa 3.9 billion pesos.
Sa ngayon ay mayroon ng nai-freeze na 3,566 bank accounts, 198 insurance policies, 247 motor vehicles, 178 real properties, at 16 e- wallet accounts na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang Flood Control Projects.
Ang mga naturang assets ay nagkakahalaga ng 11.7 billion pesos ay inaasahang tataas pa ang pigura.
