HINDI bababa sa apat ang patay habang ilan pang indibidwal ang na-trap kasunod ng malaking sunog na tumupok sa matataas na gusali sa isang residential complex sa Northern Tai Po District sa Hong Kong.
Ayon sa Fire Services Department, pinagtulungang apulahin ng mga bumbero ang makapal na usok na nagmumula sa 31-storey towers at naglalagablab na apoy na nagpaliwanag sa madilim na kalangitan.
ALSO READ:
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
2 ‘shadow fleet’ tankers na iniugnay sa Venezuelan oil, kinumpiska ng US
Matatagpuan sa Wang Fuk Court Housing Complex, kung saan nagsimula ang apoy, ang dalawanlibong residential apartments.
Batay sa impormasyon mula sa pamahalaan, tatlo katao ang nasa kritikal na kondisyon, habang may ilan pang indibidwal, kabilang ang fire services staff ang nasugatan.
