Pinangunahan ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang isang pulong kasama ang mga direktor at kinatawan ng ospital upang talakayin ang latest developments sa Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program.
Layunin nito na rebyuhin ang progreso ng MAIFIP program at magtulungan upang paigtingin ang suporta sa mga indibidwal na nangangailangan ng atensyong medikal subalit kapos sa pera.
ALSO READ:
Grupo ng mga negosyante, humirit na isailalim sa rehabilitasyon ang Calbiga Bridge sa Samar
Pasok sa mga paaralan sa Samar, suspendido dahil sa masamang panahon
Binatilyo na nasa pangangalaga ng ampunan, nalunod sa dagat sa Southern Leyte
DAR, namahagi ng mahigit 2K titulo ng lupa sa Samar at Northern Samar
Kabilang sa mga dumalo sa meeting sina Jennifer G. Coquilla, RSW mula sa West Samar Doctors Hospital, Fr. Gabriel V. Garcia, MI, mula sa hospital director of St. Camillus Hospital; at Jimuel V. Romero, MD, Hospital Director ng Adventists Hospital Calbayog Inc.
