Nakauwi na sa bansa si pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong sabado mula sa halos isang linggong foreign trip.
Tiniyak ni pangulong Marcos Jr. na gagamitin niya ang tagumpay ng back-to-back visit sa Brunei at Singapore, upang i-angat ang ekonomiya at seguridad ng Pilipinas.
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Sa kanyang arrival message, sinabi ni Marcos na sa pakikipagpulong kay Brunei Sultan Hassanal Bolkiah, pinag-usapan ang defense at maritime cooperation, gayundin ang kooperasyon sa ekonomiya at people-to-people exchange.
Mayroon ding nilagdaang tatlong Memoranda of Understanding at isang Letter of Intent sa tourism cooperation, international convention [on] standards of training, certification and watchkeeping for seafarers, maritime cooperation, at agrikultura.
Samantala, sa kanyang keynote address naman sa Shangri-la dialouge sa singapore, isinulong ng pangulo ang posisyon ng Pilipinas sa sigalot sa West Philippine Sea at sa geopolitical issues.
