PINAIGTING ng mga awtoridad sa Eastern Visayas ang kanilang kampanya laban sa smuggled cigarettes.
Kasunod ito ng serye ng mga operasyon na nagresulta sa pagkaka-kumpiska ng mahigit 1.9 million pesos na untaxed tobacco products sa buong rehiyon noong nakaraang buwan.
Ayon kay Col. Hector Enage, hepe ng Regional Operations Division ng Police Regional Office (PRO) 8, limang piso kada stick ang benta sa smuggled na sigarilyo kaya naging mas mabenta ito, maging sa mga menor de edad.
Nanawagan din si Enage sa publiko na tumulong para matigil na ang iligal na kalakalan.
Nagsagawa ang PRO-8 ng serye ng anti-smuggling operations sa Leyte, Northern Samar, Eastern Samar, Southern Leyte, at Biliran.
Patunay ito na malawak na ang narating ng mga smuggled na sigarilyo na mabibili sa mga maliliit na sari-sari store at malalayong komunidad.




