Plano ng Calbayog City na buhayin ang industriya ng abaca sa lungsod.
Kamakailan ay tinalakay nina Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy, City Agriculturist Techie Pagunsan at Mr. Gary Llever, ang pagbuhay sa abaca industry.
Bilang pagkilala sa historical significance at economic potential ng abaca production, inatasan ni mayor Mon ang Community Program Coordinators (CPC) na mangalap ng mga datos sa lower and upper Happy Valley areas, kung saan dating nakatanim ang mga puno ng abaca.
Layunin ng pamahalaang lokal na suportahan at palakasin ang kita ng mga lokal na magsasaka sa pagbuhay sa mahalagang sektor sa ekonomiya ng Calbayog City.