NAGHAIN ng Request ang South Korea Special Prosecutors sa Korte para i-detain si dating Prime Minister Han Duck-Soo kaugnay ng Martial Law Crisis noong Disyembre.
Inakusahan ng prosekusyon si Han na tinulungan nito si dating President Yoon Suk Yeol sa pagdedeklara ng Martial Law, at Perjury.
ALSO READ:
Si Yoon ay nahaharap ngayon sa Criminal Trial bunsod ng Insurrection Charges.
Nagsilbi si Han bilang Acting President matapos ma-impeach si Yoon, at nag-resign sa posisyon para lumahok sa Presidential Election noong Hunyo subalit umatras din matapos magkaroon ng alitan sa People Power Party.
Sa mga nakalipas na linggo ay tinatanong ng mga prosecutor si Han kaugnay ng Martial Law Case, subalit hindi tumutugon ang dating Prime Minister.