9 September 2025
Calbayog City
Overseas

“Sleeping Prince” ng Saudi Arabia, Pumanaw na matapos ang 20 taon sa coma

sleeping prince

Pumanaw sa edad na 36 si Prince Al-Waleed bin Khalid bin Talal Al Saud, na kilala sa buong mundo bilang “Sleeping Prince,” matapos ang halos dalawang dekadang pagkaka-coma bunga ng isang malubhang aksidente noong 2005.

Si Prince Al-Waleed ay panganay na anak nina Prince Khalid bin Talal Al Saud at Princess Reema. Apo siya ni Prince Talal bin Abdulaziz at apo sa tuhod ni Haring Abdulaziz, ang nagtatag ng makabagong Saudi Arabia.

Noong 2005, habang nag-aaral sa isang military academy sa London, naaksidente siya at nagtamo ng matinding pinsala sa utak at pagdurugo sa loob ng katawan. Dahil dito, isinugod siya sa King Abdulaziz Medical City sa Riyadh kung saan siya nanatiling naka-coma ng dalawampung taon.

Sa kabila ng payo ng mga doktor na ihinto ang life support, buong tapang at pananampalataya na ipinaglaban ng kanyang ama na ipagpatuloy ang gamutan, umaasang magaganap ang himala. Ilang beses ding umani ng pansin ang prinsipe sa social media nang magpakita ito ng bahagyang paggalaw ng daliri o kamay, pero hindi ito tuluyang nagising.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).