Nasa Pilipinas si Singaporean President Tharman Shanmugaratnam para sa tatlong araw na pagbisita.
Pasado alas kwatro ng hapon, kahapon nang dumating ang Singaporean Leader, kasama ang maybahay nito, sa malakanyang.
DILG, iniutos ang maagang paghahanda sa Super Typhoon “Uwan”
DOH, nagtaas ng Code Blue Alert kasunod ng deklarasyon ng State of National Calamity
760 million pesos na Cash Aid, ipinagkaloob ng Office of the President sa mga biktima ng Bagyong Tino
State of National Calamity, idineklara ni Pang. Marcos dahil sa pinsala ng Bagyong Tino at sa papasok na Super Typhoon Uwan
Sinalubong sila nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at mga miyembro ng gabinete, sa pamamagitan ng Arrival Ceremony sa Kalayaan Grounds.
Dumating sa bansa si Shanmugaratnam kasunod ng imbitasyon ni Pangulong Marcos, kasabay ng paggunita sa 55th Anniversary ng pagkakatatag ng diplomatic relations ng dalawang bansa.
Sa kanilang bilateral meeting, inilarawan ni Marcos ang relasyon ng Pilipinas at Singapore bilang “Deep and Multi-faceted” at inaasahang lalawak pa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.
