MULING pag-aaralan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang naging basehan nila sa halaga ng pagkain kada araw, na sukatan ng indibidwal para ituring na “Food Poor.”
Kasunod ito ng kaliwa’t kanang batikos makaraang ilabas ng PSA ang 64 Pesos na threshold na halaga ng pagkain ng isang tao, kada araw.
Aminado ang ahensya na hindi sapat ang 64 Pesos upang maabot ang nutritional o dietary requirements.
Una nang inihayag ng PSA na nakabatay ang Food Threshold sa pangunahing kailangan at “Least-Cost Approach,” na ipinapalagay na niluto sa bahay.