13 February 2025
Calbayog City
National

Serye ng mga kilos protesta laban sa modernisasyon, ibinabala ng Transport Groups hanggang sa Setyembre

NAGBABALA ang transport groups ng serye ng mga kilos protesta simula ngayong Agosto hanggang sa Setyembre.

Ito’y upang ipakita ang kanilang pagkadismaya sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ituloy ang implementasyon ng Public Transport Modernization Program (PTMP), sa kabila ng panawagan ng senado na suspindihin ang programa.

Samantala, sinabi ni Manibela Chairman Mar Valbuena na tututok ang kanilang tatlong araw na transport strike na nagsimula ngayong miyerkules hanggang sa Biyernes, sa labing isang “Protest Centers” sa Metro Manila.

Kinabibilangan aniya ito ng Caloocan, Las Pinas, Maynila, Marikina, Muntinlupa, Paranaque, Pasig, at Quezon City.

Ayon naman kay Piston National President Mody Floranda, makikiisa ang kanilang grupo, at iba pang stakeholders, kabilang ang labor group na Kilusang Mayo Uno, sa transport strike ng Manibela para tutulan ang tinawag nilang mali at bogus na modernization scheme.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.