Ihahain muli sa Senado ni Senator Risa Hontiveros ang resolusyon na hihikayat sa China na bayaran ang P20 billion na halaga ng pinsala dahil sa mga pagkasirang nangyari sa West Philippine Sea bunsod ng presensya ng kanilang mga barko.
Ayon kay Hontiveros, sadyang makapal ang mukha ng China para magawa pang maningil sa Pilipinas sa nangyaring banggaan ng kanilang dalawang barko.
Sinabi ng senadora, kahiya-hiya kasi ang nangyaring banggaan ng mga barko ng China kaya kung ano-anong propaganda na lang ang kanilang ipinapakalat.
Ayon kay Hontiveros, ang China ang matagal nang may atraso sa Pilipinas kaya nga noong 19th Congress ay inihain niya ang Senate Resolution No. 369 na humihikayat sa China na magbayad ng halos P20 billion.
Sa nasabing resolusyon na muling ihahain ni Hontiveros ngayong 20th Congress, kabilang sa mga kailangang bayaran ng China mga pinsalang at pagkasira sa West Philippine Sea.