Pinatawan ng 90-araw na suspensyon ang lisensya ng driver sa viral video kung saan kitang may kalong itong bata habang nagmamaneho, at hinayaan pa ang batang magkontrol ng manibela.
Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office at inatasan ang driver na magpaliwanag sa hensya.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Sa inilabas na SCO, inatasan ang driver na isuko ang kaniyang driver’s license sa ahensya.
Nangyari ang insidente sa loob ng parking lot ng isang mall sa Parañaque City.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamaneho o pagpapahawak ng manibela sa mga bata.
