Kasama pa din ang pangalan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa listahan ng mga aplikante para sa Ombudsman.
Ito ay base sa opisyal na listahan na inilabas ng Judicial and Bar Council.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Una nang lumabas ang bali-balita na hindi kwalipikado si Remulla para maging aplikante sa nasabing pwesto dahil sa kinakaharap niyang kaso.
Ayon sa JBC mayroong labingpitong (17) aplikante para sa Ombudsman post kapalit ng nagretirong si Ombudsman Samuel Martires.
Nagbukas din ng survey ang JBC sa publiko para sa kanilang komento sa mga aplikante.
Maaaring sagutan ang survey hanggang sa August 26 ng hapon.
