20 August 2025
Calbayog City
Business

Remittances mula sa mga Pinoy sa ibang bansa, tumaas ng 2.6 percent noong Marso 

LUMOBO ng 2.6% ang pondong ipinadala ng mga Pilipino sa ibang bansa noong Marso dahil sa tumaas na inflows mula sa land-and-sea-based workers sa naturang buwan.

Sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang cash remittances o perang ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o formal channels ay naitala sa 2.810 billion dollars noong ikatlong buwan.

Mas mataas ito ng 2.6% kumpara sa 2.738 billion dollars noong March 2024 at 2.716 billion dollars noong February 2025.

Bunsod nito, umakyat ng 2.7 percent o sa 8.444 billion dollars ang cash remittances sa simula Enero hanggang Marso mula sa 8.219 billion dollars na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).