HINDI kabilang ang pangalan ni Russian President Vladimir Putin sa listahan ng Kremlin Officials na dadalo sa Peace Talks kasama ang Ukraine, sa Istanbul, Turkey.
Sa kabila ito ng panawagan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na makilahok ang Russian president.
Sa halip, ang delegasyon ng Russia ay pamumunuan ni Presidential Aide Vladimir Medinsky, ayon sa statement ng Kremlin.
Una nang sinabi ni Zelensky na dadalo siya sa Peace Talks at kakausapin nang personal si Putin kung papayag ang Russian president.
Batay naman sa media reports, hindi rin dadalo si US President Donald Trump, sa kabila nang nauna nitong pahiwatig na a-attend siya sa Peace Talks kung naroon si Putin.