IREREKOMENDA ng Philippine Ports Authority (PPA) ang kanselasyon ng Jose Panganiban, Camarines Norte Port Improvement Project Auction, dahil sa posibleng pagbabago sa lokasyon at disenyo ng proyekto.
Sa notice na nilagdaan ni PPA General Manager Jay Daniel Santiago, inihayag ng regulator na ipinagpapaliban ang auction, until further notice.
ALSO READ:
Rice Tariff Collections, aabot lamang sa 13 billion pesos dahil sa pinalawig na Import Ban sa bigas
PBBM, nilagdaan ang 8 Petroleum Service Contracts na nagkakahalaga ng 207 million dollars
Motorcycle Sales, lumobo ng 11.8 percent sa unang 8 buwan ng 2025
Debt Service Bill ng gobyerno, umakyat sa 665 billion pesos noong Agosto
Sinabi ng PPA na kailangang kanselahin ang bidding at iba pang procurement activities ng proposed project dahil sa on-going evaluation ng posibleng bagong lokasyon ng proyekto, plano, disenyo at halaga ng proyekto.
Noong Enero ay naglaan ang PPA ng 2.11 billion pesos para pagandahin ang Jose Panganiban Port upang maging akma para sa pagseserbisyo nito sa Offshore Wind Industry.