NAKALABAS na si Pope Francis sa Gemelli Hospital sa Rome, kasunod ng limang linggong pananatili dahil sa pneumonia.
Ito ang unang beses na nakita ng publiko ang Santo Papa mula nang kumaway ito sa mga deboto noong Feb. 14 mula sa isang balcony, ilang minuto bago ito i-discharge.
Dinala ang walumpu’t walong taong gulang na si Pope Francis sa ospital bunsod ng severe respiratory infection na naging pinaka-seryosong health crisis ng Holy Father sa kanyang labindalawang taong pamumuno sa simbahang Katolika.