ISANG panalo na lang ang kailangan ng Ginebra para masungkit ang PBA season 49 Commissioner’s Cup Title.
Ito’y makaraang matakasan ng Gin Kings ang TNT sa game 5, sa score na 73-66, sa Araneta Coliseum, sa Quezon City, kagabi.
Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Ginebra sa kayang 18 points, 14 rebounds at five assists habang nag-ambag si Scottie Thompson ng 16 points at 10 rebounds.
Bunsod nito, may tsansang mapasakamay na ng Gin Kings ang kampeonato sa Miyerkules, sa kaparehong venue sa Quezon City.