20 August 2025
Calbayog City
Business

Pilipinas, nag-loan ng 400 million dollars sa ADB para sa ‘Walang Gutom’ Program

MAGPAPAHIRAM ang Asian Development Bank (ADB) sa Pilipinas ng 400 million dollars para sa Walang Gutom Food Stamp Program.

Popondohan ng programa ang pagbibigay ng buwanang Electronic Food Vouchers sa may 750,000 Food-Insecure Households sa buong bansa.

Inihayag ni ADB Country Director for the Philippines Pavit Ramachandran na ang proyekto ay sumasalamin sa Commitment ng Multilateral Lender na mapagbuti ang Food Security at Nutrisyon para sa lahat ng Pilipino.

Idinagdag ng ADB director na sa halos kalahati ng populasyon sa Pilipinas na hindi kayang bumili ng masustansyang pagkain, mahalaga aniya ang Food Vouchers para matulungan ang mahihirap at Vulnerable Households na maabot ang kanilang Nutritional Needs.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).