DINAKIP ang misis ng nakakulong na Dating South Korean president na si Yoon Suk Yeol bunsod ng iba’t ibang hinihinalang krimen, kabilang ang Bribery, Stock Manipulation at pakikialam sa pamimili ng kandidato.
Bilang pagkatig sa request ng Special Prosecutor para sa Arrest Warrant, sinabi ng Seoul Central District Court, na si Kim Keon Hee ay posibleng may kakayahan na manira ng ebidensya.
Hindi nagsalita si Kim sa mga reporter nang dumating ito sa Korte para sa ilang oras na Hearing sa Warrant Request.
Inilagay siya sa isang Detention Center sa Souther Seoul na hiwalay sa pasilidad kung saan nakapiit ang kanyang mister na si Yoon.
Inaasahang isasalang ang misis ng ex-president sa iba pang mga katanungan ng mga imbestigador ngayong Huwebes, kung saan maaring ma-extend ang kanyang Detention ng hanggang dalawampung araw bago pormal na sampahan ng mga kaso.




