INANUNSYO ng Philippine Economic Authority (PEZA) na nag-ambag ito ng 1.3 billion pesos na dibidendo mula sa kanilang kinita noong 2024.
Sinabi ni PEZA Director General Tereso Panga na tutok sila sa Future-Proofing upang matiyak na mananatili silang Dynamic Force para sa Economic Development and Nation-Building.
Binigyang diin ni Panga na nakapag-remit na sila ng 3.68 billion pesos sa gobyerno mula nang mag-umpisa ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Una nang inihayag ng Department of Finance na ang pag-remit ng dibidendo mula sa mga kinita ng Government-Owned or-Controlled Corporations ay umabot na sa 76 billion pesos, as of May 15, 2025.