24 June 2025
Calbayog City
Sports

Oklahoma City Thunder, nakapasok sa NBA Finals makalipas ang 13 taon 

PASOK na sa Finals ng NBA ang Oklahoma City Thunder.

Ito ang unang pagkakataon na uling makakasabak sa Finals ang nasabing koponan makalipas ang 13-taon.

Ito ay makaraang itanghal na kampeon ang Thunder sa NBA Western Conference Finals.

Tinalo ng Thunder sa Game 5 ng NBA Western Conference ang Minnesota Timberwolves sa score na 124-91.

Itinanghal naman na MVP para sa Western Conference Finals si Shai Alexander Gilgeous makaraang makapagtala ng 34 points, 7 rebounds at 8 assists.

Nagtala din ng record sa kasaysayan ng NBA ang Thunder makaraang tambakan ng 33-points ang Timberwolves sa pagtatapos ng 2nd quarter ng game.

Ito ang pinakamalaking halftime lead sa kasaysayan ng franchise Playoff.

Ang magwawagi sa Eastern Conference Finals ang makakalaban ng Thunder sa NBA Championship.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).