MAGLALABAS ng bagong Single si J-Hope ng K-Pop supergroup na BTS, sa Hunyo, bilang dagdag sa kanyang String of Song Releases.
Ayon sa label na BigHit Music, ang kantang “Killin’ It Girl” kung saan tampok ang American rapper na si Glorilla, ay ire-release sa June 13.
Idinagdag ng BigHit, na kasama rin sa Single ang solo version ni J-Hope.
Sa YouTube, ipinasilip ng HYBE na parent company ng BigHit Music, ang “concept film” ng upcoming song.
Ang “Killin’ It Girl” ay kasunod ng Singles ni J-Hope, na “Sweet Dreams” at “Mona Lisa.”