INANUNSYO ni Elon Musk na pag-alis sa Trump Administration matapos pamunuan ang hakbang para mabawasan ang US Government Spending at pagkawala ng maraming trabaho.
Sa post sa kanyang social media platform na X, pinasalamatan ng World’s Richest Man si US President Donald Trump sa oportunidad na makatulong na patakbuhin ang Department of Government Efficiency, na kilala sa tawag na DOGE.
Binitawan umano ng White House si Musk bilang Special Government Employee, kahapon ng umaga (Oras sa Pilipinas).
Ang pag-alis ni Musk sa White House ay nangyari, kasunod ng pagkadismaya nito sa Budget Bill ni Trump, kung saan ipinanukala ang Multi-Trillion Dollar Tax Breaks at palakasin ang Defence Spending, na taliwas sa trabaho ng DOGE.