Binawi na ng Department of Agriculture (DA) ang umiiral na temporary ban sa importasyon ng domestic at wild birds, kabilang na ang poultry products mula sa Belgium matapos makumpirmang napigilan na ang pagkalat ng avian flu sa nasabing bansa.
Ang paghihigpit ay naunang ipinatupad ng DA matapos ang pagkalat ng highly pathogenic avian influenza (H5N1) sa bahagi ng Belgium noong Pebrero 17 upang protektahan ang local poultry industries mula sa posibilidad na pagkahawa.
Airline Companies, pinaalalahanan ng DOTr sa pagbibigay ng napapanahong Flight Updates sa mga pasahero
Asian Development Bank, nagtalaga ng bagong Country Director sa Pilipinas
Foreign Investment Pledges, bumagsak ng 64% sa ika-2 quarter ng taon
Philippine Rice Import Forecast, ibinaba ng USDA bunsod ng 2 buwan na ban sa pag-aangkat ng bigas
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P Tiu Laurel Jr. sa pamamagitan ng memorandum order No. 30, ang pag-alis ng import ban ay matapos pormal na ideklara ng Belgian veterinary authorities na nalutas na ang pagkalat ng sakit, at wala ng bagong mga kaso ng bird flu pagkatapos ng February 28.
Ang sertipikasyon mula sa Belgium aniya ay nakatugon sa mga panuntunang itinakda ng World Organization for Animal Health (WOAH). Ang desisyon ng DA ay hudyat ng muling pagpapatuloy ng kalakalan sa isa sa pangunahing poultry producers ng Europe.