MAGKAKAROON ng Musical Adaptation ang 1984 Filipino Film na “Bagets” at mapapanood ito sa stage sa susunod na taon sa Newport Performing Arts Theater.
Ang original “Bagets” Movie ay pinagbidahan ng noo’y mga Young Heartthrobs na sina Aga Muhlach, William Martinez, J.C. Bonnin, Herbert Bautista, at Raymond Lauchengco, na nagdala sa kanila sa kasikatan.
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Dennis Trillo, ipinagtanggol ang misis na si Jennylyn Mercado sa gitna ng umano’y hindi pagkakasundo sa mga biyenan
Lead stars ng ‘Tangled’ live-action remake, pinangalanan na
Ang Theatrical Production ay Collaboration sa pagitan ng VIVA Communications at Philippine Educational Theater Association (PETA), na nakilala sa kanilang produksyon, gaya ng “Rak of Aegis,” at “One More Chance: The Musical.”
Pangungunahan ni “Rak of Aegis” Director Maribel Legarda ang “Bagets: The Musical” na ang script ay mula sa award-winning playwright na si J-Mee katanyag.
Inanunsyo ni Legarda na magkakaroon sila ng auditions para sa limang bida, simula sa Hulyo hanggang sa Agosto.
