Kabilang ang OPM singer na si Jimmy Bondoc sa 3,812 applicants na pumasa sa 2023 Bar Examinations.
Sinabi ng singer-songwriter na matagal na niyang pangarap na maging abogado.
2017 nang magsimulang mag-aral ng law ang OPM singer sa San Beda University at 2019 nang lumipat siya sa University of the East para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Nakilala si Jimmy sa kanyang hit song na “Let Me Be The One.”