MULING magpapa-bidding ang Department of Transportation (DOTr) para sa pagtatayo ng Common Station ng mga linya ng tren sa Metro Manila, kung saan ikinu-konsidera ang Public-Private Partnership (PPP).
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na sa ngayon ay naghahanap sila ng ibang paraan upang maisakatuparan ang naudlot na proyekto.
Noong nakaraang linggo ay naglabas ng Notice of Termination ang DOTr sa contractors ng Unified Grand Central Station sa North EDSA, Quezon City, na kilala rin bilang Common Station para sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) Lines at Metro Manila Subway.
Inihayag ng ahensya na tinerminate nila ang mga contractor na BF Corp. at Foresight Development and Surveying Company bunsod ng excessive delays.
Idinagdag ni Dizon na sa ngayon ay pinag-aaralan nila ang PPP dahil ito aniya ang pinakamabilis.