INILAMPASO ng Oklahoma City Thunder sa kanilang court ang Minnesota Timberwolves sa Game 1 ng NBA Western Conference Finals.
Ito na ang ikalawang sunod na laro na nakapagtala si Shai Gilgeous-Alexander ng mahigit 30 points at pang-walo sa 12 Playoff Games ngayong season.
Bukod pa ito sa kanyang game-high na nine assists.
Nag-ambag naman si Jalen Williams ng 19 points at 8 rebounds habang umiskor si Chet Holmgren ng 15 points at 7 boards para sa Thunder.
Samantala, pinangunahan ni Anthony Edwards ang Timberwolves, sa pamamagitan ng kanyang 18 points at nine rebounds.