MAY bagong aabangan ang mga batang sumusubaybay sa British Preschool Animated Television Series na Peppa Pig.
Isinilang na kasi ang pinakabagong miyembro ng pamilya, ang ikatlong baby nina Mommy Pig at Daddy Pig.
Mr. International 2025 Kirk Bondad at Model-Actress Lou Yanong, kumpirmadong nagkabalikan
K-Pop Group na Seventeen, balik Pilipinas sa susunod na taon para sa kanilang World Tour
Ate Gay, nakumpleto na ang kanyang Chemotherapy Sessions
Jonathan Bailey, itinanghal bilang Sexiest Man Alive for 2025 ng People’s Magazine
Sa Official Facebook Page ng “Peppa Pig,” makikitang kalong ni Peppa ang kaniyang baby sister na pinangalanang Evie.
Ibinahagi din ang larawan ng “royal appearance” ni Mommy Pig at Daddy Pig kasama si baby Evie.
Noong May 13 inanunsyo na ng Animated Kid’s Series ay mapapanood sa mga sinehan ngayong buwan.
Magkakaroon ng special event screening na pinamagatang “Peppa Meets The Baby Cinema Experience” kung saan mapapanood ang sampung bagong episodes ng Peppa Pig kasama ang anim na bagong kanta at music videos.
Mapapanood to sa mga piling sinehan sa May 30.
