14 June 2025
Calbayog City
Overseas

Pope Leo, umapela sa Israel na payagan ang Humanitarian Aid sa Gaza

NANAWAGAN si Pope Leo XIV sa Israel na payagan na makapasok ang Humanitarian Aid sa Gaza.

Sa kanyang Weekly General Audience sa St. Peter’s Square, sa Vatican City, sinabi ni Pope Leo na hiling din niya na matuldukan na ang digmaan, na pinagdudusahan ng mga bata, matatanda, at may sakit.

Sa kanyang unang sunday message noong May 11, umapela ang Bagong Santo Papa para sa agarang tigil-putukan at pagpapalaya sa lahat ng Israeli hostages na hawak ng militanteng grupong Hamas.

Una nang inihayag ng Israel noong Lunes na papayagan nitong makapasok ang Aid sa Gaza matapos ang labing isang linggong pagharang sa Enclave, subalit sinabi ng United Nations na walang tulong na naipamahagi noong Martes.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).