IPATUTUPAD na muli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) simula sa Lunes, May 26.
Pahayag ito ni MMDA Chairperson Romando Artes, matapos bawiin ng Korte Suprema ang umiiral na Temporary Restraining Order (TRO) sa NCAP.
Sa ilalim ng muling pag-iral ng NCAP, kung may mga sasakyan na makikitaan ng paglabag gamit ang mga CCTV cameras ay padadalhan ng Notice Violation ang Registered Address nito sa Land Transportation Office (LTO).
Ayon kay Artes nakatakda ding magdagdag ang MMDA ng isang libo pang CCTV cameras sa mga lansangan.
Sa pagbawi ng TRO ng SC sa NCAP, nakasaad na aaari itong ipatupad muli ng MMDA sa mga pangunahing lansangan lalo na sa C5 at EDSA.