SAMPU katao ang patay habang may ilan pang mga nasugatan nang walang habs na mamaril ang mga salarin sa isang Jewish holiday event sa Bondi Beach sa Sydney, ayon sa Australian Officials.
Sinabi ng New South Wales Police na dalawa ang kanilang nasa kustodiya habang batay naman sa report ng Australian Broadcasting Corp., isa sa dalawang gunmen ang kabilang sa mga nasawi.
ALSO READ:
11.1 billion dollars na arms package para sa Taiwan, inaprubahan ng Amerika
US President Donald Trump, pinalawak ang US Travel Ban sa 5 pang bansa
Mahigit 100 sibilyan, nasawi sa drone attacks sa Kordofan Region sa Sudan ngayong Disyembre
Naaksidenteng school bus sa Colombia, pumatay ng 17; 20 iba pa, sugatan
Tinawag ni Prime Minister Anthony Albanese ang insidente na “shocking and distressing.”
Inihayag naman ni Israeli President Isaac Herzog na ang mga Jewish people na binawian ng buhay sa pagsisindi ng unang kandila para sa Hanukkah Holiday sa beach ay inatake ng mga kasuklam-suklam na terorista.
