LIBU-libong deboto ang nagtipon-tipon sa Vatican para sa Canonization ng Italian teenager na binansagang “God’s Influencer” dahil sa kanyang pagsisikap na palaganapin ang Katolisismo sa online.
Opisyal na iprinoklama kahapon ni Pope Leo the 14th si Carlo Acutis, na namatay sa Leukemia noong 2006 sa edad na labinlima, bilang kauna-unang Millennial Saint, na umani ng masigabong palakpakan mula sa mga nag-abang sa St. Peter’s Square.
5 pang suspek, inaresto bunsod ng Louvre Heist sa Paris
Israel, muling umatake sa Gaza matapos akusahan ang Hamas na lumabag sa Ceasefire; 20 katao, patay!
Lithuania, isinara ang Border sa Belarus kasunod ng paglabag sa kanilang Airspace
Egypt at Red Cross, tumulong sa paghahanap sa labi ng mga bihag sa Gaza
Karamihan sa mga natungo sa harapan ng St. Peter’s Basilican ay mga kabataan na mayroong bitbit na mga watawat mula sa iba’t ibang bansa o mga imahen ng tinaguriang “Cyber-Apostle.”
Unang itinakda ang Canonization noong Abril subalit ipinagpaliban ito nang pumanaw si Pope Francis.
Ito naman ang unang seremonya sa pagdedeklara ng santo ni Pope Leo, na ikinatuwa ang pagdalo sa misa ng maraming kabataang deboto.
