LABIMPITO katao ang nasawi habang dalawampung iba pa ang nasugatan matapos mahulog sa bangin ang isang bus na may lulang mga mag-aaral sa Northern Colombia.
Ayon kay Antioquia Governor Andres Julian, patungo sa bayan ng Tolu sa Medellin ang bus mula sa Caribbean matapos ang school trip nang mangyari ang trahedya.
ALSO READ:
11.1 billion dollars na arms package para sa Taiwan, inaprubahan ng Amerika
US President Donald Trump, pinalawak ang US Travel Ban sa 5 pang bansa
Mahigit 100 sibilyan, nasawi sa drone attacks sa Kordofan Region sa Sudan ngayong Disyembre
10, patay sa pamamaril sa Australia Bondi Beach sa Jewish Holiday
Sakay ng bus ang mga estudyante mula sa Antioqueño High School na nagdiwang ng kanilang graduation sa beach.
Sinabi ni Julian na mabigat itong balita para sa buong komunidad, lalo na ngayong panahon ng Disyembre.
