INILUNSAD ng Land Bank of the Philippines ang Lending Program para sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) upang matulungan silang palaguin ang kanilang mga negosyo sa pamamagitan ng Financing at Capacity-Building Support.
Maaring gamitin ang pondong hihiramin sa pamamagitan ng “Lifting MSMEs Program,” para sa Working Capital, Business Expansion, Equipment Purchase or Upgrade, Renovation, Digitalization, Franchising, Export and Trade Finance, at Green or Sustainable Projects.
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Ayon kay Landbank President and CEO Lynette Ortiz, ang MSMEs ang itinuturing na Backbone ng Philippine Economy, dahil sa 99.6% Total Business Establishments at 65% ng Total Workforce.
Mayroong tatlong Loan Packages sa ilalim ng naturang programa na kinabibilangan ng Start-Up Loan, Step-Up Loan, at Level-Up Loan.
