SINIMULAN na ang pamamahagi ng year-end bonus at cash gift sa kwalipikadong tauhan ng gobyerno, kahapon, November 15.
Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang year-end bonus ay katumbas ng isang buwan na basic pay ng empleyado habang ang cash gift naman ay nagkakahalaga ng P5,000.
Kwalipikadong makatanggap nito ang mga empleyado ng gobyerno na nakapanilbihan na ng hindi bababa sa apat na buwan mula January 1 hanggang October 31 ngayong taon.
Kabilang dito ang lahat ng civilian personnel, regular, contractual, casual, appointive o elective, full-time o part-time.
Ito ay ang mga nagtatrabaho sa Executive, Legislative, Judicial Branches, Constitutional Commissions, iba pang Constitutional Offices, SUCS, GOCCS, Military Personnel ng AFP, Uniformed Personnel ng PNP, PPSC, BFP, BJMP, PCG at NAMRIA.
Kasama din sa tatanggap ng bonus ang mga elective o appointive Barangay Officials at employees.