20 June 2025
Calbayog City
Entertainment

Lea Salonga, Balik-Tony Awards bilang presenter

NAGBALIK si Lea Salonga sa prestihiyosong Tony Awards bilang bahagi ng Star-Studded Lineup of Presenters para sa 78th Edition ng Award-Giving Body.

Sa Instagram, ibinahagi ng Filipina Theater Legend ang kanyang litrato habang naka-pose sa tabi ng kanyang upuan bilang presenter.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging presenter si Lea sa Tony Awards, dahil nagawa na niya ito noong 2021.

1991 nang manalo ng Tony Award si Lea para sa kanyang mahusay na performance bilang Kim sa “Miss Saigon.”

Siya ang kauna-unahang Filipino at Asian na tumanggap ng naturang pagkilala.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).