KINAPOS ang Alas Pilipinas sa Iran dahilan para maitala ang kanilang unang talo sa 2025 AVC Women’s Volleyball Nations Cup.
Pinadapa ng Iran ang Pilipinas sa score na 25-16, 21-25, 26-24, 23-25, 13-15, sa Dong Anh Gymnasium sa Vietnam.
ALSO READ:
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, nagbabala laban sa disinformation, fake news
Lebron James, Stephen Curry, at Kevin Durant, muling nagsama-sama sa NBA All-Star lineup
World class multi-sports hub itatayo sa New Clark City
Lebron James, napiling maglaro para sa kanyang 22nd consecutive NBA All-Star game
Dahil dito, bumagsak sa 2-1 Card ang Alas at ngayon ay nasa Third Place sa Pool B.
Kailangan nilang matalo ang dalawang powerhouse clubs na New Zealand, bukas at Kazakhstan sa Huwebes, upang palakasin ang kanilang contention.
Tanging Top Two teams sa dalawang Pools ang aabante sa Crossover Finals, kung saan ang champions ay makakakuha ng ticket sa 2026 Asian Women’s Volleyball Championship.
