UMAASA ang Department of Agriculture (DA) na maire-release ang mga bakuna laban sa African Swine Fever (ASF) sa ikatlong quarter ng taon.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., naisailalim na ang vaccines sa Genome Sequencing at dinala sa third-party experts para sa approval.
Sinabi ni Tiu Laurel na kapag pumasa sa susunod na buwan ay ma-e-endorso na nila ito ng tuluyan sa Food and Drug Administration sa Hulyo.
Noong Mayo ay nagpulong ang mga opisyal mula sa DA, Bureau of Animal Industry, at FDA, kung saan tinalakay nila ang updates sa ASF at Avian Influenza (AI) vaccine candidates, para protektahan ang swine at poultry sectors.