HALOS labing tatlunlibong residente ang apektado ng malakas na ulan at baha bunsod ng epekto ng habagat at Low Pressure Area sa Bulacan at Zamboanga City, batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development.
Sinabi ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, 2,500 individuals o 641 families sa Zamboanga City, at 49 individuals o 10 families sa Bulacan ang inilikas bunsod ng masamang panahon.
Inihayag ng ahensya na nag-release na sila ng inisyal na 549,000 pesos na halaga ng tulong sa porma ng food at non-food items sa mga apektadong residente.