NAG-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng kabuuang 5,344 police personnel sa buong Metro Manila para sa Oplan Balik-Eskwela.
Ayon kay NCRPO Chief, Police Major General Anthony Aberin, saklaw ng regional deployment ang 1,206 public at private schools.
Sa statement, sinabi ng NCRPO na kabuuang 1,429 personnel ang itinalaga sa Police Assistance Desks (PADs) na naka-posisyon malapit sa mga paaralan.
Mayroon ding 1,135 Mobile Patrol Units at 1,731-foot patrol officers na ipinakalat sa pamamagitan ng limang Police Districts at Regional Mobile Force Battalion upang matiyak ang 24/7 Ground Coverage, hindi lamang sa paligid ng mga eskwelahan, kundi pati na sa High-Traffic at Risk-Prone Areas.