IPINAGDIWANG ng Israelis at Palestinians ang palitan ng mga bihag at bilanggo, na itinuturing na malaking hakbang para matapos na ang dalawang taong digmaan sa Gaza.
Sa First Phase ng US-Brokered Plan para matuldukan na ang giyera, pinakawalan ng Hamas ang lahat ng natitirang buhay na mga bihag habang pinalaya naman ng Israel ang halos dalawanlibong Palestinian prisoners at detainees.
Emosyonal ang naging tagpo ng makitang muli ng mga pamilya ang kanilang mga mahal sa buhay na nawalay sa kanila ng dalawang taon.
Ang mga pinalaya namang Palestinians mula sa mga kulungan sa Israel, ay masayang sinalubong ng mga tao nang dumating sila lulan ng mga bus sa Gaza at sa inokupang West Bank.