INANUNSYO ng Department Agriculture (DA) na nire-review nila ang Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP), na naglalayong palakasin ang produksyon ng bigas sa bansa.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na isinasailalim ng ahensya sa komprehensibong review ang MRIDP upang matiyak na madaragdagan ang productivity na magbibigay ng malaking kita sa mga magsasaka.
Sa ilalim ng Rice Program na inisyatibong hango sa Masagana 99 Program ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr., target ng Agriculture Department na makapag-produce ng high-quality rice seeds.
Ipinaliwanag ng kalihim na nire-recalibrate nila ang programa upang matukoy ang areas for enhancement, kabilang ang pamamahagi ng improved seeds, expansion ng irrigation system, at adjustments ng rice cropping schedules.